|
                    |
Expekt Online Bookmaker
Frequently asked questions and problems
-
Paano tumaya sa Expekt.com
Ang pagtaya sa Expekt.com ay simple, ligtas at madaling gamitin. Maaari
kayong tumaya sa Internet kaya’t wala nang oras ng pagbubukas na dapat
bantayan. Maaari kayong tumaya ng 24 oras sa isang araw at hanggang 5 minuto
bago ang umpisa ng labanan. Ang Expekt.com ay nag-aalok ng posibilidad na
tumaya sa marami-raming labanan sa magkakaibang isport, halimbawa putbol,
ice hockey, tenis, pag-iiski, golp, atletiks at Pormula 1. Sa bawat isport
pinagsisikapan naming saklawin ang lahat ng kawili-wiling mga labanan, na
nangangahulugan na mayroon kaming 300-400 mga labanan sa bawat linggo na
maaaring tayaan.
-
Magbukas ng kwentas ng tayaan
Upang tumaya sa Expekt.com kakailanganin ninyong magbukas ng kwentas sa
pamamagitan ng
pagparehistro sa aming sityo. Kapag kayo ay nakapagparehistro
makakatanggap kayo ng ID ng kliyente. Itong personal na ID ng kliyente ay
inyong gagamitin sa tuwing kakailanganin ninyong makipag-ugnayan sa
Expekt.com. Ang pagbukas ng kwentas ay libre at maaaring isara sa anumang
oras. Ang lahat ng mga transaksiyon sa inyong kwentas ay nakatala sa paraang
tulad ng sa kwentas ng bangko sa isang bangko. Kontrolado ninyo ang inyong
pagtaya.
-
Isaaktibo ang kwentas
Maisaaktibo ninyo ang inyong kwentas ng tayaan sa pamamagitan ng pagdeposito
ng pera sa isa sa mga kwentas ng Expekt.com. Kapag nagdeposito kayo
mahalagang tandaan ang inyong ID ng kliyente at pangalan. Maaaring magtagal
ng 3-4 araw ng pasok bago namin matanggap ang kumpirmasiyon ng deposito mula
sa bangko at mailagay sa inyong kwentas upang kayo ay makapag-umpisang
tumaya.
-
Tumaya
Ang pagtaya sa Expekt.com ay napakasimple. Kayo ay papasok gamit ang inyong
ngalan ng tagagamit at kontrasenyas na napili ninyo noong kayo ay
nagparehistro. Kapag kayo ay nakapasok sa inyong personal na kwentas maaari
na kayong tumaya sa mga labanang ang probabilidad ay inaalok ng Expekt.com
sa kasalukuyan. Piliin lamang ninyo ang mga labanang nais ninyong tayaan at
i-klik ang katapat na probabilidad. Mabubuo ninyo ang inyong bilyete sa
pamamagitan ng pagsasama ng hanggang 20 mga labanan sa ganitong paraan.
Maaari na kayong mamili ng halagang nais ipusta at tapusin sa pamamagitan ng
pagkumpirma ng inyong tinayaan.
|
-
Kolektahin ang inyong napanalunan
Ang napanalunan ay direktang babayaran sa inyong kwentas ng tayaan matapos
lamang ang huling labanan sa inyong bilyete. Maaari kayong humiling na
maglabas ng pera mula sa inyong kwentas ng tayaan tungo sa inyong kwentas ng
bangko. Walang deretsos para sa mga bansa kung saan ang Expekt.com ay may
kwentas. At ang pera ay kadalasang nasa inyong kwentas ng bangko matapos ang
dalawa hanggang limang araw depende sa inyong bangko. Ang lahat ng
napanalunan mula sa Expekt.com ay libre-buwis.
-
Mas magagandang probilidad
Ang Expekt.com ay nag-aalok ng ilan sa mas magagandang probabilidad sa
merkado. Sa pamamagitan ng pag-alok ng probabilidad sa Internet napapanatili
naming mababa ang aming babayaring administratibo at maaaring makapag-alok
ng mas magagandang probabilidad kaysa sa mga tradisyunal na kompaniya ng
tayaan. Sa Expekt.com maaari kayong tumaya sa solo hal. maaari kayong pumili
ng tamang kalalabasan ng isang labanan. Ito ay nangangahulugan na mas mataas
ang inyong pagkakataong manalo bilang kliyente. Tangi pa riyan nag-aalok
kami ng pirmang probabilidad, na nangangahulugan na ang probabilidad na
tinayaan ninyo ay siyang probabilidad na makukuha ninyo sa bandang huli. Ang
Expekt.com ay regular na nag-aayos ng probabilidad sa talaan ng probabilidad
nguni’t nakakatiyak kayo na ang makukuha ninyong probabilidad ay yaong
nakumpirma sa panahong kayo ay tumaya.
-
Seguridad
Gumagamit kami ng pinakamakabagong teknolohiya upang mapanatili ang mataas
na seguridad para sa aming mga kliyente. Ang lahat ng mga transaksiyon sa
pagitan ng mga kliyente at ng Expekt.com ay nakasipra. Ang responsableng
inhiniyero-tekniko sa Expekt.com ay may mahabang esperiyensiya sa
pagdedebelop ng mga sityo na nagpapalakad ng marami-raming bilang ng mga
magkasabay na transaksiyon at tagagamit. Ang sityo ng Expekt.com ay
dinibelop na may parehong pangangailangan sa seguridad at pagganap tulad ng
sa mga sityong gamit para sa mga serbisyo ng bangko at pagbebenta ng kaparti
sa negosyo. Tandaan na mahalaga pa rin na kayo bilang kliyente ay gumawa ng
mga hakbanging itago ang inyong kontrasenyas sa ligtas na lugar upang walang
sinumang di-awtorisado ang makakagamit nito at lumabas sa bawat sesyon.
|